Iniisip kong palitan ang blog na ito ng “The OFW Chronicles” pero medyo baduy. At oo, isa na akong ganap na OFW kaya may bago na naman akong mga kwento at experience na maibabahagi di lang sa pagiging tatay pero bilang isang tatay na OFW. Labing pitong araw ko ng hindi nakakasama ang pamilya ko. […]
Eksaktong isang taon na ang nakakaraan, maraming pagbabago ang sa amin ay dumating. Ang pagdating ng pinakaimportanteng tao sa aming buhay. Ang bunga ng aming pagmamahalan. Ang pinagmumulan ng aming habang buhay na kaligayahan. Eksaktong isang taon, ipinanganak ka anak at tandang-tanda ko pa ang lakas ng iyong iyak. Parang naka megaphone at buong delivery […]
Di baleng madapa ka, ang mahalaga ay bumangon ka’t siniguradong may natutunan ka sa pagkakadapa mo. Parang seryoso ang opening ko, pero nais ko lang i-share na SOBRANG LIKOT na ng anak ko. Lakad dito, lakad doon, gulong dito, gulong doon, iyak dito, iyak doon at kung anu-ano pang dito at doon. Kung makangiti pa, […]
Matagal-tagal na din akong di nakapagsulat dahil sa busy schedule at kung anu-anong activities na ginagawa aside sa pag-aalaga kay baby. Marami na rin syang level-up simula noong huling beses akong sumulat. Natuto na syang gumapang at umupo, konti na lang at makakasabay ko na syang maglakad at di ko na lang mapapansin, magkakaboypren na […]
Ubo dito, ubo doon. Bahin dito, Bahin doon. Ito ang unang pagkakataon na nagkasakit si baby. Nakakaawa, masama pakiramdam nya pero di nya masabi dahil sa pag-iyak lang nya maipaparating ang nararamdaman nya. Sa bawat ubo at bahin, parang may binabaon sa puso naming mag-asawa. Totoo nga ang sabi ng matatanda, na mas gugustuhin pa […]
Patuloy pa rin ang puyat, gastos at umaapaw na pagmamahal. Habang tumatagal, palaki na nang palaki si baby. At pag sinabi kong palaki nang palaki, vertical at mas ang horizontal. Dumadaldal na rin sya, sinusubo ang kamay at umaasim na rin ang kanyang mga singit-singit sa katawan. Paborito ko itong amuyin kahit amoy humpy dumpy […]
Haligi ng tahanan kung ipakilala sya noong elementarya. Provider at idol sa iba. Mayroon din namang sira-ulo at gagong mga ama pero hindi natin maikakaila, kagaya ng mga ina, utang natin ang buhay natin sa kanila. Medyo kakaiba na makatanggap ka ng text at greetings sa facebook ng happy father’s day. Kapreho siguro ito ng […]
Matapos ang saya, matapos ang ligaya ay tinamaan na ako ng antok. Wala akong tulog maghapon dahil sa biglaang caesarian operation ni misis. Kaya’t matapos ang chores ng mga nurse sa akin (mga 3 beses akong pabalik-balik pharmacy at nursery) ay sinubukan kong magpahinga. Di naman ako nahirapan, dahil pagkakain ko ng burger na dapat […]
Ika-6 ng Mayo, tumigil ang mundo ko at binasag ng malakas na iyak ang aking pagka-tao dahil matapos ang siyam na buwan na paghihintay at pananabik, lumabas na si Kulasa, este si Mary Kaitlin. Ganito ko natatandaan ang mga pangyayari: April 26, 2014 – Nakahanda na ang mga gamit ni misis dahil sa mga panahong […]
Noong mga unang buwan ng pagbubuntis ni misis, maraming nagtatanong kung babae ba daw o lalaki. Nakailan din kaming ultrasound(patakas) at umaasang baka machambahan namin at makita ang kasarian ng aming baby. Ngunit hindi namin nalaman ito hanggang nung 6 months na sya sa tiyan ni misis. Ang mga kaibigan namin ay nagpupustahan pa, kung […]