Bagong Bahay, Buhay, Dapa, Vaccine, Damit at Iba Pa
Patuloy pa rin ang puyat, gastos at umaapaw na pagmamahal.
Habang tumatagal, palaki na nang palaki si baby. At pag sinabi kong palaki nang palaki, vertical at mas ang horizontal. Dumadaldal na rin sya, sinusubo ang kamay at umaasim na rin ang kanyang mga singit-singit sa katawan. Paborito ko itong amuyin kahit amoy humpy dumpy cheese flavor ito. Pati ang hininga nya, ang bango-bango. Amoy fresh kahit bagong gising sa umaga di tulad naming mag-asawa.
Tuloy pa rin ang bakuna buwan-buwan. So far meron na syan for Hepatitis B, Diphtheria, Pertussis(Whooping Cough) and Tetanus(DPT), Oral Polio Vaccine(OPV)/Inactivated Polio Vaccine(IPV), H. Influenzae B, Rota virus, Pneumococcal cunjugate(PCV). Next month naman ay Rotarix#2 at PCV#2. Matapang si baby, di pala-iyak sa turok. Minsan mahirap makitang nasasaktan ang anak mo dahil sa injection pero dapat mong tiisin dahil para sa kanya naman ito.
Ang mga damit ni baby kahit apat na buwan pa lang sya ay for 6 months na, ang diaper nya medium na (mas mahal at mas onti na ang diaper habang lumalaki ang size nito). Di na rin sya mahirap paliguan at naeenjoy na nya ito. Nagfoformula na din sya paminsan-minsan kahit minsan ayaw nya dumede sa feeding bottle.
Si misis, medyo mahina na ang produksyon ng factory ng gatas nya kaya naman kumakain sya ng mga cookies, cupcakes, tinapays na meron flaxseed, brewer’s yeast, fenugreek at ang walang kamatayang malunggay na inihahalo sa sinigang, tinola, nilaga at kahit anong may sabaw. Minsan chinecheck ko na rin kung may gatas na rin ako, sa kabutihang palad, wala pa naman.
Maigi na ring bihisan si baby, halos araw-araw ay nag pophoto shoot sya suot ang kanyang mga bagong damit, medyas, head band at kung anu-ano pang ekek ng mga babae. BIbigyan ka rin nya ng matamis na ngiti at malakas na tawa. Pag nainitan naman sya ay bibigyan ka nya ng iyak na madalas ay mahirap iinterpret kung ano ang ibig sabihin.
Kahapon ay nabless na ang aming bahay after 5 months ng paninirahan kaya bye bye na sa mga bad spirits kung meron man. Nakadapa na rin mag-isa si baby sakto sa kanyang 4th month birthday. Di namin navideo at di rin namin napanood dahil nadatnan na lang namin syang nakadapa. Sayang! May kaonting handaan sa piling ng aming pamilya at malalapit na kaibigan na sinamahan kami sa isang milestone na ito sa aming buhay. Natulog kaming puyat ngunit masaya.
Naghahanap pa rin kami ng yaya. Kung may kakilala kayong mabait, masipag at magaling magluto baka maari lamang ipag-bigay alam nyo sa amin.
Thank you Lord sa blessings di lang sa mga materyal na bagay kundi sa mga kaibigan at pamilyang nagmamahal sa amin.