Matapos ang isang buwan ng pagbubuntis ni misis, kami ay inadvise ng kanyang ob na magpaultrasound. Transvaginal Ultrasound daw ang aming ipagawa. Ang akala ko, lahat ng ultrasound ay parepareho lang, yung parang may plantsa na ipapaikot sa tiyan ng buntis. Mali ako, may ibat’-iba pala itong klase at itong Transvaginal ay yung pinapasok sa P#p# ng babae.

Pumunta kami sa Medicard Ortigas, pagkatapos magsurvey sa ilang ospital dahil laking mura ng procedure na ito sa medicard kesa sa ibang ospital( Mas mura pa sa probinsya kung talagang nagtitipid kayo sa budget). Php 1065 lamang ito kumpara sa Php 2440 sa Medical City. Doon namin nalaman na may kondisyon pala ang bahay-bata ni misis. Meron daw syang bicornuate uterus.

Ito ang aming unang ultrasound:

Ang Korteng Pusong Bahay-Bata- First ultrasound
First ultrasound

Matapos ang ilang research at pagbabasa (kasama ang mga ka-sis natin sa female network), ito daw ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng hati ang uterus at nagkokorteng puso imbes na isang buo lang ito.

See figure below:

Ang Korteng Pusong Bahay-Bata-Uterus Comparison
Uterus Comparison

Ano ang mga pwedeng mangyari? Ayon sa kaibigan nating si Wikipedia, maaring magkaron ng:

Recurrent pregnancy loss – madalas na pagkalaglag ng bata

Preterm birth – Mapaaga ang panganganak

Breech Birth – Suhi, baliktad ang pwesto ng paglabas ni baby, imbes na una ulo, nauuna ang paa

Deformation – o malformation ni baby

Bilang bagong magulang, kami ay natakot at nagworry kay baby. Kaya naman sobrang ingat kami sa unang trimester ng pagbubuntis ni misis. Inadvise na din kami ni doktora na 80% ng chance baka mag Caesarean procedure kami. (Kuya Kim tone: Alam nyo ba na ang Caesarean procedure ay nagsimula sa salitang Lex Caesarea, isang batas noong panahon ni Noma Pompilius ang pangalawang hari ng Roma, kung saan tinatanggal ang sanggol sa sinapupunan ng namatay na ina dahil ayon sa relihiyon na hindi dapat ilibing ang mga ina ng may laman ang sinapupunan).

May gamot ba sa bicornuate uterus? Meron daw, pero through surgical intervention only if talagang hindi na makabuo ng baby.

Maswerte pa rin kami na hindi kami nahirapan bumuo ng baby dahil madalas daw, mahirap magkaron ng baby ang may ganitong kondisyon. Isang tunay na biyaya ang lumaki si baby(6.5 months and counting) ng walang probema. Kung anu’t ano man ang solusyon sa naging kondisyon ni misis ay dasal at patuloy na pagdarasal.

References:

http://www.babymed.com/pregnancy-complications/bicornuate-uterus

http://radiopaedia.org/articles/bicornuate_uterus

http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/003779.htm

http://en.wikipedia.org/wiki/Caesarean_section

Share