☰MENU


Dalawang Guhit

Dalawang Guhit

Isang araw, hindi na dinatnan si misis. Madalas namang ganoon gawa ng irregular naman ang kanyang period.  Sakto, sinabi ko sa kanya na napanaginipan kong buntis na sya. Naisipan lang naming mag pregnancy test pero hindi naman umaasang siya ay buntis, yata. At tinuloy na nga namin, tuwing magtetest kami, ako ang tumitingin ng resulta. Medyo kadiri kasi inihian na ni misis yun, pero kasama ito sa pinirmahan ko noong kontrata sa kasal (Malamang madadagdagan pa ang mga secret rules sa pagdaan ng panahon). Chineck ko ito matapos ang 5 minuto ay isang pulang linya lamang ang lumabas at iniwan na namin ito sa banyo.

Matapos ang ilang saglit, bigla kong naramdaman ang aking jebs na papalabas na. Agad akong tumakbo sa banyo, at habang jumejebs sinilip kong muli yung preg kit, at nagulat na may dalawa ng guhit. Ako ay nagsisigaw, muntik ng makalimutang maghugas ng pu%^t ko.

Para makasigurado, kahit disoras na ng gabi ay nagdrive ako para maghanap ng botika. Maigi naman na may 24 hours na mercury sa may Edsa Central. Bumili ako ng isa sa mercury at isa pa sa tapat ng generics pharmacy. Agad akong bumalik at inulit namin ang test. At ayun na nga. Buntis na si misis. Graduate na kami sa pagiging maggerlpren at boypren. Magiging Nanay at Tatay na kami.

Sa dalawang guhit nagsimula ang adventures namin at ng aming munting anghel. In less than 3 months, makakapiling na namin sya dito sa outside world at merong di na mapakali. AKO!

Share

One Comment

Let me know about your thoughts.